Friday, November 25, 2011

Panalo.ph's first auction

Breaking news.

As I checked Panalo.ph earlier, I saw some auctions ending in 9 hours.


Congrats Panalo.ph!


Wednesday, November 23, 2011

Sara Snow is trolling in the deep: from BiliBid to Panalo.ph

If you have been following the fan page of BiliBid, odds are you have already encountered Sara Snow.

Sara Snow has been trolling in the BiliBid fan page for a while. She has been making malicious comments on the page but I can't see most of them now, maybe the moderators of the page banned her already.

Thanks to the cache of Google search, I have recovered some of them. Here's a sample of her comments:



I can't recover find her other comments now, but some of them say something like:
  • BiliBid is a project of some part-time college student.
  • BiliBid is closing.
  • Maybe BiliBid cannot afford to buy the prizes.
Now she's making her way to another relatively new penny auction site, Panalo.ph. She's accusing Panalo.ph of copying everything from PisoBid. Here's a screenshot of her post:


Another user, Jane Montero, defends Panalo.ph saying that it was a stock photo available on the Internet. She also accused Sara Snow of working for PisoBid.

Curious, I checked out Sara Snow's profile. Most of her friends have "Travel" as their last names. Then upon checking on her wall, I saw that she made a comment and even posted a photo on Ensogo Philippines' wall.



As you can see above, the photo she uploaded on Ensogo's wall was the logo of PisoBid. The contents of the photo description were instructions on how to redeem 24 free bids if you bought an Ensogo voucher for PisoBid.

Her post on Ensogo's wall makes me think that she is indeed working for PisoBid - just like what Jane Montero is claiming. In case Jane's accusations were true, I would be saddened to know that PisoBid is going this low to slowly kill competition.

I believe in competition. The more penny auctions sites out there, the better. It will make the owners of these website set their Piso Auction apart from others.

Tuesday, September 20, 2011

Piso Auction Sites in the Philippines

Lately, napansin ko na dumarami na ang Piso Auction sites sa Pilipinas. Medyo nagresearch ako at nalaman ko na sikat pala ito sa ibang bansa at penny auction pala ang tawag dito.

Nagresearch rin ako ng tungkol sa penny auction sites sa Pilipinas, na tatawagin nalang nating Piso Auction sites.

Ang pinakaunang Piso Auction site ayon sa aking pananaliksik ay ang Winila. Nakakita ako ng isang blog dated last December 5, 2010 pa tungkol dito. P10/bid point ang rate nila. Sinubukan ko buksan ang website nila pera napupunta ako sa isang group buying site kapag inoopen ko.

Ang sumunod naman dito ay ang Pisobid. Ito na siguro ang pinakasikat na Piso Auction sa Pilipinas ngayon. Narinig ko na rin ito sa isang officemate ko na naadik dito dati pero huminto na rin. P7.14/bid ang pinakamurang bid point sa kanila (P10,000 for 1,400 bids). Ayon sa Winners page nila, natapos ang unang auction ng Pisobid noong 6/6/2011 10:47:09 PM. Buhay na buhay pa ang website nila at ang dami nilang Facebook likers, more than 60,000.

Pagkatapos sumikat ng Pisobid, lumabas na ang BidangBidder. Hindi na ma-access ang website ng BidangBidder pero nabisita ko na ito dati. Ang huling auction nila na nakapost sa kanilang Twitter account ay noong August 28, 2011. Unang naiisip ng mga tao ang pangalan ni Manix Genabe kapag naririnig ang BidangBidder, isa kasi siya sa mga may-ari. May 339 likers ang kanilang Facebook page.

Halos magkasunod lang lumabas ang PinoyBidders at ang BiliBid. Pero uunahin ko muna ang PinoyBidders.

PinoyBidders - Ayon sa Winners page ng PinoyBidders, natapos ang unang bidding nila noong 08/21/2011 04:31:00 PM. Ang pinakamurang bid point nila ay nasa P6/bid point kapag bibili ng 500 bid points for P3,000. Dumarami na rin ang Facebook likers nila, 662 na.

Ang BiliBid naman, maaga nagbukas para sa signups. Walang date ang kanilang Winners page kaya sa Facebook page hinanap opening date nila. Nagbukas sila noong 08/22/2011 ayon sa isang Facebook note. Ang pinakamurang bid point nila ay nasa P5/bid point kapag bibili ng 500 bid points for P2,500. 704 na ang likers nila sa Facebook.

Nakita ko rin ang BidPH dati pero hindi ko na mabuksan website nila ngayon. Alam ko may countdown sila dati na 16 days pa para sa isang flash disk. Hindi ko na rin natignan kung magkano ang bid points nila. Merong isang Facebook fan page na BidPH na may isang liker. Hindi ko alam kung official fan page iyon.

Andyan rin ang magbubukas palang na PeraBid. Ang pinakamurang bid point nila ay nagkakahalagang  P7.69/bid point kung bibili ng 130 bids worth P1000. Ayon sa isang post noong August 27, 2011 sa kanilang Facebook page na may 76 likers, magbubukas na raw sila very soon.

May Pnoybid rin, mukhang presko mula pa sa Malacanang. Nakita ko ito sa isang Twitter list kasama ang ibang nabanggit na Piso Auction sites. Noong nabuksan ko website nila last week, noong September 17 dapat sila maglalaunch pero mukhang nadelay sapagkat hindi pa rin sila bukas. Hindi mabuksan ang Facebook page na nakalink sa website nila.

Sila palang naman ang nakita ko. Marami-rami na sila, ang iba hindi pa nagbubukas. Maraming nagsasabing rip-off lang daw sila ng Pisobid bilang Pisobid ang pinakasikat pero nagkaroon pa pala ng Winila dati pa. Okay na rin siguro na marami sila para may competition.

Marami na akong nabasang blog post tungkol sa mga bidding sites na tatalakayin ko next time.